Saturday, July 23, 2005

ka2ibang entry::: kaninO kya tOh?!

SY 2004-2005

Mahal mo pa ba siya?

Minsan ba natanong mo na sa sarili mo kung mahal mo pa sya? Ako oo, lagi… Simula noong magparamdam sya ulit sa akin. Tanungin ka ba naman ng “galit ka pa ba?”, “masama pa ba loob mo sa akin?,” anong ineexpect nya? E tamang-tama na ito yung mga oras na sya ang naiisip-isip mo. Halos mag-iisang taon na rin nga e pero bumalik bigla sa iyong ala-ala lalo na’t ganitong panahon naging malabo ang lahat sa inyo. Nadamay na nga pati si Martin ng Lovers in Paris. Sinasabihan mo siyang tanga dahil humihingi sya ng pagmamahal, nanggugulo sya ng buhay dahil gusto nyang maangkin ang taong kanyang minamahal. Galit na galit ka sa kanya dahil alam mong maliyun, galit na galit ka sa kanya dahil naranasan mo na yun, dahil ginawa mo na yun at doon ka nagkamali, nadapa. Galit na galit ka hindi kay Martin kundi sa sarili mo. Sa tuwing nakikita mo si Martin, nakikita mo ang sarili mo, nakikita mo kung gaano ka kaawa-awa sa mga panahong hinihingi mong bumalik pa sayo ang taong mahal mo.

Halos mag-iisang taon na nga ang nakalipas pero kahit anong ipilit mo, nanjan na yan at hindi mababago o mabubura man. Ang kailangan lang ay acceptance na akala mo nalampasan mo na ngunit may natira pa rin plang kaunti sa puso mo. Nag-akala kang tapos na ang lahat ngunit ayan, bakit bumabalik at nariyan sa utak mo, sa puso mo? Siguro nga… Nagsisimula ka na naming pumuna sa mga bagay na dati’y iniiwasan mo na… Nagsisimula na namang madurog ang puso mo sa mga oras na nakikita mo sila… Nagsisimula na naming pumasok sa iyong isipan ang mga bagay na hindi mo na dapat na binibigyang-pansin… Bakit nga ba, bakit? Saan ka na nga ba hahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito?

Halos mag-iisang taon na rin ng huli mong narinig sa kanyang mga labi na sinasabing mahal ka niya. Siguro namimiss mo lang ang mga araw nay un pro “lilipas rin yan,” ang mga katagang nasabi sa sarili. Pero inamin mo, mahal mo pa rin siya ngunit ayaw mo nang makagulo sa buhay nila, niya at sa sarili mong buhay. Ginagawa mo naman ang lahat para iwasan ang pagiging immature o kung ano mang tawag dun. Pero bakit ganun, nilalapitan ka pa rin ng problema o ikaw ang lumalapit o hindi mo na talaga alam.

Minsan naisip mo, “MASAYA NA AKO KUNG SAAN SIYA MASAYA,” pero di ba hindi naman ito ang tunay mong iniisip at iba pa rin ang iyong nararamdaman. Alam mo kung ano yun, hinhiling mo pa rin na bumalik siya sayo at marealize nyang ang laki mong kawalan. Naiisip mo pa nga kung anong isasagot niya kapag tinanong mo siya tungkol sa pagmamahal. Masasambit kaya ng kanyang mga labi ang iyong pangalan o tuluyan ka nang nawala sa puso’t isip niya? Pero bakit mo naman iyon itatanong, ayaw mo na ng gulo at siguradong masasaktan ka lang. Isa pa, binalik mo ang respeto sa sarili kaya wag mong hayaan mawala ito muli. Ngunit hindi naman maling ang isang taong may mahal ng iba kung wala ka naming ginagawang masama. Maaari kang maghintay, dahil siya, nanjan lang lagi sa puso mo. Ang gusto mo lang naman di b ay makipag-usap siya sayo, yung seryoso, yung totoo. Pero hanggang kalian ka maghihintay? Alam ko naman lagi mo yung gagawin basta lagi ka lang maging masaya at gumawa ng tama. Pero hindi hindi ba’t magkaiba ang paggawa ng tama na ikaw ay masaya sa paggawa ng tama na ikaw ay malungkot at nasasaktan. Ang ironic ng mundo!? Siguro sadyang ganun lang talaga and you need to live with it. Basta ang alam ko may kasiyahan sa tuwing magiging totoo ka sa sarili mo. Advantage pa nga un e, dahil alam mo ang totoo at alam mong totoo ka.

Sa ngayon, hindi mo na naman siya pinapansin. Hindi mo alam kung naintindihan niya yun o naiisip man lang. Pero sabi nga sa kanta “PASENSIYA NA.” Kung sa tingin mo yun ang tama, go on, wag lang sosobra dahil baka sa akala mong siya ang nasasaktan, ikaw pala ang unti-unting lumulubog dahil sa patibong na ikaw mismo ang may gawa.

Ang hirap naman kasi ng sitwasyon mo, kasama mo araw-araw sa klase at nakikita mo ang lahat ng kanyang ikilos. Pero hindi maaaring pumikit sa lahat ng oras basta i-enjoy mo lang ang mga oras na iyon, yung taos sa puso. Siguro tama ka sa sinabi mo noon na hihintayin mong matapos ang school year na ito. At least kahit ganun pa rin ang nararamdaman mo, maaaring maiwasan ang mga sakit na nararamdaman mo jan sa loob. Ang pag-iyak, ilabas mo lang kapag hinihingi ng pagkakataon. Dahil jan, maliligtas ka sa anumang mabigat na batong iniistock mo sa puso mo, para bang liquid sosa, para maalis “pansamantala” ang bara.


5 Comments:

Blogger JL Bolina said...

sabi ko na nga ba em-ay ka e!!!
ayaw pa daw umamin ooh, e anu tong aking natutunghayan sa iyong entry? tsktsktsk

hay panu ba ako magcocomment sa twin blog ko?

e kasi nmn parang pareho tyo ng template at font! pero aus lng yan, ibg sabihin kul ung gamit ko kaya ginamit mo rin, o dba?

lam mo kates,sinabi ko n nmn syo dti diba,
wag kang madamot,
wag kang magsosolo

kung tipong nalulungkot ka at di mo na ma-afford pang pumunta sa pinakamalapit na pc shop pra gumawa ng n3, text mo n lng ako, lalo n ngayo't akoy nka-24/7, o dba, plugging?

ahihihi

watrfrens4 kates?

-smiLe-

^^

24/7/05 05:31  
Blogger JL Bolina said...

xanga pla, i-edit mo ung... settings ata un, para mkapgcomment din ung mga wlang account sa blogspot,

share!

^^

24/7/05 05:32  
Blogger k_tee said...

dude,nde aq em-ay..pramis..tska kuL tLga ang tempL8 n 2..cute db..

25/7/05 01:09  
Anonymous Anonymous said...

anu ka ba,

bakit naman pati ako ay paglilihiman mo pa

pero aus lng

at least in-edit mo ung settings para sa mga comments...

siempre my naniniwala p pla sa mga pinagsasasabi ko!!!

^^

25/7/05 05:25  
Blogger k_tee said...

uu nmn...
nani2waLa aq s cnsbi m...
nga pLa...
mgtanOng k lng dude...
ssgutin k s abOt ng aking pOwers...
pra nmn nde kta pinagLi2himan...
(",)

25/7/05 22:10  

Post a Comment

<< Home